TALUMPATI
RH BILL
Magandang umaga mga ginoo at mga binibini kayo ay malugod kong inaanyahang pakinggan ang aking pananaw tungkol sa isyong RH BILL . Kung kayo ang tatanungin , kayo ba ay sasang-ayon o tutol dito ? Bakit may mercy killing ? Bakit my abortion ? Bakit may mga fetus na tinatapon kahit saan ? kahit sa labas ng simbahan wla naba talagang takot at respeto s adios ang mga taong gumawa nito?
Ang RH BILL ang isa sa pinakamainit n isyo sa ating bansa dahil sa lalong paglobo ng ating populasyon . Maraming tao ang tumotutol ditto lalo na ang simbahang katoliko dahil naniniwala ang mga pari sa nakasaad ng doktrina sa bibliya na bawat bata ay nakasaad sa batas ng Dios at batas ng tao na bawat bata ay may karapatang mabuhay at magpakabuhay sa mundo. Pero may tao ring sumasang ayon dito lalo na ang mga kababaihan dahil maraming babae ang naabusa at namamaltrato ng mga asawang bisyoso, gusto lang nila ng makontrol para mapangalagaan ang kanilang karapatan.
May ibang taong ayaw sa RH BILL, pero may mga sumang-ayon din. Ngunit kung titingnan natin ang RH BILL ba talaga ang tanging paraan sa pagbaba n gating populasyon ? Maraming nagsasabi na hindi dapat ipatupad ito dahil hindi ang paglobo ng populasyon ang dahilan ng kahirapan kundi ang ptuloy na pangungurakot ng mga taong nakaupo sa mataas na pwesto na nagpapatakbo ng ating bansa. Lalo na! pati ang sistema ng pang-edukasyon na dapat ipatupad ay ninanakaw nila. Ano pa ba ang ating magagawa pero para sa may asawang katulad ko , ay dapat magkontrol pero ang pagkontrol sa tamang paraan at proceso na hindi labag sa mata ng Dios.
Kaya tandaan ito mga kabataang ktulad niyo lalo na ang mga kababaihan ang pagkakaroon ng pamilya ay pinaghahandaan . Ang pagtatalik ay hindi pinaglalaruan . I’toy may kabanalan . Dahil ito rin ay may malaking kasalanan . Ang isang babae at lalaki bago pumasok sa pagtatalik ay kinakailangan magpaalam at humingi muna ng basbas sa panginoon bago ito maisakatuparan. Ang lahat ay dapat gawin sa tamang panahon , sa tamang edad at kaisipan para maiwasan ang walang kwentang kahirapan . Kung sakali mang makagawa tayo ng kasalanan , walang sinumang dapat sisihin kundi ang iyong kapabayaan at katangahan. Paalala magpasya ayon sa inyong konsencya huwag sa bugso ng damdamin sa tawag ng baliw na pag-ibig at kasakiman sa laman. Bagaman kung hindi maiwasan , dapat tandaan may tanging paraan upang hindi ninais na pagbubuntis ay maiwasan at hindi contraceptives lamang ang paraan kundi kayo mismo ay Magkontrol ! Manalig sa Dios at sana bumalik tayo sa tamang daan gaya ng nakasaad sa bibliya.
6 comments
tama kailangang kontrol sa sarili lamang ang tanging paraan at hindi ang mga contracentives na nakakaisra sa mga kababaihan...
Paano kung hindi mrunong magkontrol katulad ng maraming kababayan nating mahihirap na sila na nga ang gipit, sila pa ang maraming anak.
Ang RH bill ay para sa mga taong takot sa Responsibilidad... Para sa mga taong gusto lamang lumigaya sa pag tatalik.. Sa mga taong hindi kayang magkontrol... Sa mga taong makasarili at tanging sarili lamang ang iniisip... Ang Mga Contraceptives ay may mga side effects... Cancer ang huli at pinaka masaklap at siyang maaaring tawaging parusa...
i think the realization here in this issue is that the parents must guide their child correctly.do not allow their child to be involved with something that is prohibited and i guess give their child a proper info about sex.
Very informative, keep posting such good articles, it really helps to know about things.
E paano kung narap ang idang babae o kaya namay delikado pala siyang magbuntis na kung saan ay maaari niya itong ikamatay?