0 MGA URI NG INTERBYU ( INTERVIEW )

1.ANG INTERBYU SA PAGKUHA NG IMPORMASYON-ang interbyu ay pagkuha ng impormasyon buhat sa taong iinterbyuhin o kinakapanayam.Ginagawa ito ng mga estudyante, doktor at reporter.

2.ANG INTERBYU PARA SA TRABAHO- ito ay gingawa ng taong nag-aaplay ng trabaho o kaya'y mga mag-aaral na nagnanais na makapag-aral sa isang prehitiyusong paaralan.

3.ANG INTREBYU UPANG MAGBIGAY PAYO-naglalayong magbigay patnubay sa mga taong may mga personal na problema na nangangailangan ng tulong ng iba.Nagbibigay payo ay tulad ng mga guidance councilor, psychiatrist,kasapi ng pamilya,mga guro,at mga kaibigan.

4.ANG INTERBYU SA PAGBIBINTA- ito'y nangungumbinse naman sa mga mamimili na tangkilikin ang kanilang mga produkto, tulad ng nagtitinda sa palengke,mga ahente ng gamot,sabon,alahas at iba pa.

5.ANG INTERBYU NAG- IIMBESTIGA-ito ay layong kumuha ng ng impormasyon buhat sa taong nais imbestigahan sa paraang malyang pasisiyasat,kagaya ng pulis na nagsisiyasat sa suspek at abogado sa loob ng korte.

6.ANG INTERBYU SA MEDIA- ito ay pagtatanong na isinasagawa ng tagapanayam sa panauhin maging sa telebisyon o radyo,kdalasang ginagawa ito sa isang "talk show".