Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa. Ito ay ang ang pakikipagpalitan ng kuro-kuro, opinyon, impormasyon o ideya sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat, o sa pamamagitan ng senyas o signal.
5 Makrong Kasanayan ng Komunikasyon:
Pakikinig
Pagsasalita
Pagbabasa
Pagsusulat
Pag-iintindi
2 comments
hello po! pwede po malaman kung sino yung author? for research purposes lang po
Panonood po ang ikalimang makrong kasanayan.